Paano ko ise-set up ang payout details?

Huling na-update: November 14, 2026

Nagbabayad ang Koobo sa mga host sa pamamagitan ng bank transfer sa Philippine Pesos. Dalawang bagay ang kailangang nakaayos bago mailabas sa iyo ang anumang pera.

1. Detalye ng bank account

Idagdag ang bank details mo sa host dashboard mo. Dapat nakapangalan sa iyo o sa negosyo mo ang account, at dapat may pahintulot kang gamitin ito. Hindi puwedeng magbayad ang Koobo sa account ng ibang tao.

Suriing mabuti ang account number at bangko bago mag-save. Ang mali o lumang detalye ang pinakakaraniwang dahilan ng naantala o pumalyang payout, at hindi kayang bawiin ng Koobo ang perang naipadala sa detalyeng ibinigay mo.

2. Valid na business permit

Kailangang mag-upload ng business permit ang mga host para makatanggap ng payout. Requirement ito ng pag-list sa Koobo, hindi optional na dagdag, at bahagi ito ng kung paano nananatiling lehitimo ang marketplace para sa mga guest at sa ibang host.

Responsibilidad mong kunin ang anumang permit, lisensya, o registration na kailangan ng partikular mong serbisyo ayon sa batas ng Pilipinas at lokal na regulasyon. Kung may kailangan ang listing mo bukod sa pangkalahatang business permit, halimbawa tourism accreditation o vehicle rental registration, responsibilidad mong kunin at panatilihin ito.

Panatilihing updated ang mga detalye

Kung magpapalit ka ng bangko, magsasara ng account, o na-renew ang permit mo, i-update agad ang dashboard mo. Papalya ang payout na susubukang ipadala sa lumang detalye at kailangan itong ipadala ulit.

Currency

Lahat ng payout ay ibinibigay sa Philippine Pesos. Kung nasa ibang currency ang account mo, iko-convert ng bangko mo ang halaga at puwede itong maningil ng conversion fee. Ang bangko mo ang nagtatakda ng fee na iyon, hindi ang Koobo.

Kailangan ng tulong sa pag-set up? Mag-email sa [email protected].