Paano ko ma-e-edit ang mga listing ko at makakagawa ng draft gamit ang AI app sa pamamagitan ng MCP?

Huling na-update: November 14, 2026

Puwede mong ikonekta ang isang AI app, gaya ng Claude o ChatGPT, sa iyong Koobo host account. Pagkatapos, puwede mo na itong utusan sa chat na gumawa ng draft listing at mag-edit ng ilang bahagi ng mga listing mo. Optional ito. Magagawa mo pa rin ang lahat sa iyong host dashboard.

Bago ka magsimula

  • Kailangan mo ng Koobo host account. Mga host lang ang puwedeng magkonekta ng AI app.
  • Kailangan mo ng AI app na may opsyong magdagdag ng custom connector. Hindi lahat ng AI app o plan ay may ganito.
  • Ang mga listing lang sa account na ginamit mo sa pag-sign in ang kayang basahin at i-edit ng AI app. Kung team member ka sa account ng ibang host, hindi nito maaabot ang mga listing ng host na iyon.

Paano magkonekta

  1. Sa settings ng iyong AI app, hanapin ang connectors at magdagdag ng custom connector. Iba-iba ang pangalan ng mga menu sa bawat AI app.
  2. Ilagay ang Koobo bilang pangalan at i-paste ang address na ito: https://www.koobo.ph/mcp
  3. Kapag hiningi ng AI app, mag-sign in sa Koobo gamit ang account kung nasaan ang mga listing mo.
  4. Basahin ang listahan ng permissions sa Koobo page, saka i-click ang Allow. Payagan lang ang mga AI app na pinagkakatiwalaan mo.

Ano ang kayang gawin ng AI app

Matutuluyan. Basahin ang iyong mga matutuluyan at gumawa ng draft na matutuluyan. I-edit ang title, description, facilities, backup power, house rules at guest notices.

Vehicle rentals. Basahin ang iyong mga rental at gumawa ng draft rental para sa kotse, motorbike o bisikleta. I-edit ang make, model, body type, fuel, transmission, taon, description, kondisyon, kulay, upuan, engine size, weight capacity, rules para sa renter, rental policies, at kung ano ang kasama o may dagdag na bayad.

Activities. Basahin ang iyong mga activity at gumawa ng draft activity. I-edit ang title, description, uri ng activity, highlights, mga wika, kung ano ang dapat dalhin ng mga guest, kung ano ang hindi pinapayagan, at activity policies.

Ano ang nananatili sa iyong dashboard

Hindi kayang baguhin ng AI app ang iyong presyo, photos, availability, booking o payout. Hindi rin nito kayang i-submit, i-publish o i-delete ang isang listing.

Sa dashboard mo lang din mababago ang mga ito: location, uri ng matutuluyan, rooms, oras ng check-in, tagal at schedule ng activity, bilang ng sasakyan, halaga ng rental deposit, at cancellation days.

Bago ka humiling ng pagbabago

Hindi nakikita ng mga guest ang mga draft. Sa host dashboard mo lang lalabas ang bagong draft. Doon mo idagdag ang natitirang detalye, gaya ng location, presyo at photos, saka i-submit ang listing.

Agad na nakikita ng mga guest ang mga edit sa live na listing. Nagse-save ang AI app nang walang preview, kaya hilingin mong ipakita muna nito sa iyo ang bagong text bago mag-save.

Pinapalitan nang buo ang facilities, rules, add-ons at checklists. Papalitan ng mga pinili ng AI app ang kasalukuyan mong mga pinili, kaya sabihin mo kung alin ang gusto mong panatilihin. Hindi matatanggal ang mga custom entry na ikaw mismo ang nag-type.

Tingnan muna ang mga listing mo bago sumubok ulit. Bawat hiling na gumawa ng draft ay gagawa ng bagong draft. Kung pumalya o nag-time out ang isang hiling, ipalista muna sa AI app ang mga listing mo para hindi ka makagawa ng doble.

Mga halimbawang hiling

  • "Ipakita mo lahat ng listing ko at kung alin ang live."
  • "Isulat ulit ang description ng [pangalan ng listing] para mas maikli at mas friendly. Ipakita mo muna sa akin ang bagong text bago mo i-save."
  • "Idagdag ang Wi-Fi at parking sa [pangalan ng listing] at panatilihin ang iba pa nitong facilities."
  • "Gumawa ng draft rental para sa automatic kong 125cc na motorbike."
  • "Gumawa ng draft activity para sa surf lesson na may title, description at highlights."

Kung may mali

Lumalabas sa Koobo ang "You need a Koobo host account". Hindi host account ang ginamit mo sa pag-sign in. Mag-sign in gamit ang iyong host account, o maging host, saka ikonekta ulit ang AI app.

Sinasabi ng AI app na hindi ito pinapayagang mag-edit ng mga listing mo. Walang edit access ang koneksyong ito. Ikonekta ulit ang Koobo sa iyong AI app at tiyaking kasama sa listahan ng permissions ang "Create and edit your listings".

Sinasabi ng AI app na may ibang pagbabago pang sine-save. Maghintay ng ilang segundo at subukan ulit.

Sinasabi ng AI app na masyadong maraming request sa Koobo. Maghintay ng isang minuto at subukan ulit.

Paano mag-disconnect

Sa iyong host dashboard, pumunta sa Settings, buksan ang Connected apps, at i-click ang Disconnect sa tabi ng AI app. Agad itong titigil sa paggana sa iyong Koobo account. Mananatili sa mga listing mo ang mga pagbabagong nagawa na nito.

Kapag tinanggal mo ang Koobo connector sa settings ng iyong AI app, sa AI app na iyon lang ito natatanggal. Gamitin ang Disconnect sa Koobo para putulin ang access nito.